.op gnal an gnidaer yojnE .eheheH .otidnan gna gnal yagab gnatnewk gnalaw oruP !ekoJ .om odnum as ginayapapgam gnatilab agm as nali gna asababam oti an golb aS

Di po alien language yan. Paki-basa na lang po ng pabaligtad.
(pahirapan daw ba ang mga babasa? Kung meron man?!)

Home » Post Item » Rosario Papuntang Pasig

Rosario Papuntang Pasig

July 10, 2009

Naranasan mo na bang maipit sa trapik ng 2 oras? Sa pinaka-mainit na oras sa buong araw? Dahil sa lecheng hinuhukay na daan na  linggo-linggo na lang hinuhukay at tatambakan at huhukayin ulit. At ang magaling na blueboy e andun sa sulok at busy sa pag-tetext at hinayaan nang hindi gumalaw ang agos ng mga sasakyan. At natiyempo na pagod ka galing sa mahapong pagtatrabaho. Hindi lang un, nangangamoy na ung isdang binili ng pasaherong katabi mo sa palengke. At iyak pa ng iyak ung batang karga ng babaeng nasa harapan mo na tila walang pakielam sa mundo. Hay. Ang sarap pumatay ng tao.

Posted by enzo at 5:35 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment